Aboitiz Jebsen Bulk Transport Corp.
GENERAL INFORMATION
SEAFARERS' CORNER
FAMILY CENTER
APPLICANTS
NEWS
LINKS
OTHER SERVICES
 
 
Open Letters From the Sea


See the creativity of our crew as they express their thoughts on love and life!

  By: Teddy “Joy” Masaya – M/V Lisa J
July 2006

Ako’y naglalakad sa tabi ng dagat
Nakatagpo ako ng magandang dilag
Tinanong ko siya bakit siya umiiyak
Iniwan daw siya ng kanyang kabiyak.

Ako’y naawa sa magandang dalaga
Sa malapit na bar, doon ko siya dinala
Tinanong ko agad kung anong order niya
Agad siyang sumagot isa daw serbesa.

Aba! Ang lintek na ito tila lasenggera
Tatlong taas lang ubos na’ng serbesa
Ako’y nagulat sa tinuran niya
Sa hotel kasi gusto kaming magpunta.

Por Dios et por Santo! Ako ay namangha
Sa kanyang sinabi, ako’y napatunganga
Akala ko’y mahinhin itong si Dalaga
Iyon pala’y sanay na sa kama.

Ako’y gumawa agad ng isang dahilan
Sabi ko sa kanya, ako’y may pupuntahan
Para lang makaiwas sa dalagang hirang
Di niya alam, ako’y iwas-pusoy lamang.

Hindi ko alam, siya pala’y sumunod
Sa tamis ng ngiti, nanginig ang tuhod
Aba! Hindi ko na sasabihin ang kasunod
Kayo na’ng magtapos ng huling episode.
  By: Teddy “Joy” Masaya – M/V Lisa J
July 2006

Muli na namang nagpupugay ang inyong makata
Upang handugan kayong muli ng isang tula
Ang hangad ko lamang, kaunting pang-unawa
Kung sakaling palpak, kayo na’ng bahala.

Ang tula kong ito’y handog ko sa inyo
Tungkol po ito sa ating gobyerno
Na magpahanggang ngayon walang pagbabago
Baon pa rin sa utang, sambayanang Pilipino.

Lahat na yata ng kaguluhan, nasa atin na
Kahit saang bayan ay may terorista
Walang patawad ito, bata man o matanda
Naglipana sila, Mindanao, Luzon at Bisaya.

Di ba’t kailan lamang ay nagkabarilan
Grupo ng Abu Sayaf at may kapangyarihan
Dalawampu’t dalawang buhay, dito ay nadamay
Wala pa po dito ang mga nasaktan.

Presyo ng gasolina’t krudo’y di mapigilan
Halos linggo-linggo, presyo’y nadadagdagan
Walang magawa itong sambayanan
Kundi sumunod sa kanilang patakaran.

At pag ang EVAT ay naisakatuparan
Lalong maghihirap itong ating bayan
Paano na kung ang kita mo’y tamang-tama lamang
Pampaaral ng anak, gastos sa pang-araw-araw.

Marami sanang investor ang gustong dumayo
Dito sa bansa magtayo ng negosyo
Malaki sanang tulong sa mga Pilipino
Marami sa atin ang magkakatrabaho.

E paano ba sila mag-iinvest sa atin
Kung sa umpisa pa lamang, lagay na ang hiling
Mismo nga nasa pwesto, mga corrupt din
Sila ang sumisira sa gobyerno natin.

Kaya nga ang payo ko mga katoto
Tayo’y mag-ipon ng pera habang nasa barko
Iwasan ang sugal at masamang bisyo
Mahalin nating lahat ang ating trabaho
  By: Teddy Boy Masaya

Por Dyos, Por Santo, sakit ng ulo ni Ate Glo
Bombahan doon, bombahan dito
Di lang dito sa atin, pati na sa buong mundo
Yan ang flavor of the month ngayong siglo

Ngunit unahin natin ang terorismo
Kung saan nakatutok ang ating gobyerno
Puno ng takot ang lahat ng tao
Pati batang walang malay nadadamay dito

Ang pangalawa’y ang SARS epidemic
Lahat yata ng tao’y nagpapanic
Pati trabaho ng OCW nagkalintek-lintek
Swerte ang mga seaman di nadawit

Pati na rin si Kuya Ping ay medyo kabado
Nabuksan na naman kasi dati niyang kaso
Paano na ngayon pangarap niyang maging pangulo
Baka ang bagsak niya tuloy ay sa kalaboso

Di na rin nakaligtas ang inyong Unang Ginoo
Na siya raw may pakana ng lahat ng ito
Siya kasing itinuturo ng isang testigo
Upang madiin si Kuya Ping na nasa senado

Buti pa si Saddam pa-easy-easy lang
Kahit ang Iraq dinurog ni Uncle Sam
Ang di nila alam siya’y nagpapalamig lamang
Sa kaalyadong bansa sa gitnang silangan

Kung sabagay tubo pa rin tayong mga Pilipino
Sa pagtulong sa kaibigang Amerikano
Sa dami ng nasira sa Iraq ng bombahin ito
Tiyak dagsa ang mga OCW

Bago ko wakasan, itong aking tula
Ay hangad ko lamang kayo ay matuwa
Bagamat ito ay isa lamang katha
Pinag-isipan din po ito ng lumikha.
  By: Teddy Boy Masaya

Ano ba naman itong SARS tila usong-uso
Pinag-uusapan kahit saang dako ng mundo
Mga Intsik , Hapones, Singaporean maging Canadians
Walang pinipili kahit na tayong mga Pilipino

Ngunit kung aking iisipin, SARS di dapat katakutan
Kailangan lang laging malinis ang inyong katawan
Iwasang makihalubilo lalo na sa karamihan
Kung saan madali kang mahawa kaibigan

Iwasang bumaba sa mga SARS country
Stay onboard ka na lang , manood ng VCD
O di kaya’y magbasa ng sulat galing sa family
Kung wala kang sulat tawagan mo si Esmi.

Marami na ring buhay ang nabuwis
Dahil ditto kay SARS, talagang nakakainis
Damay na pati manggagawang overseas
Order ni Ate Glo, stop muna ang pag-alis

Talagang parusa na siguro ito ng Panginoon
Dahil ang mga tao’y sa masamang bisyo ay nagumon
Kahit sang dako ka pumaroon
May nagsusugal, nagsashabu, may nagmamahjong

Kaya nga ang payo ko mga kaibigan
Ang good time ay medyo bawasan
Para din yan sa kalusugan
Ipaligo mo Pare ko, init lang yan ng katawan

Ngunit kung di ka talaga mapigilan
Pwede ka namang bumaba kahit sa pantalan
Bilangin mo lahat ng posteng madaanan
Pagsawa ka na balik sa iyong higaan

‘Yan ang iwas SARS style naming mga seaman
Di naman masama kung iyong susubukan
Sigurado ako panalo ka kaibigan
May pera ka pa sa pagdating ng uwian.
  By: R.D. Araya


If you don’t like your work
You need three times the energy
To force yourself to work
To resist the force;
And finally to work

If you love your work
You desire to do it;
Will be like a wind,
To propel your ship,
With much less fuel

If you like your work;
You work no more…
For work, when you like it,
Is work no longer
But, sheer enjoyment

If you enjoy your work,
You’ll work and work;
Without counting the hours,
And you’ll reap and enjoy
More earnings as well

(Source: Newscruise)
 
Aboitiz Jebsen Bulk Transport Corp.
2F Harbor Center II Bldg., Railroad St., South Harbor, Port Area, Manila, NCR, 1745, PH
Phone:  +632 527 9980
Fax:  +632-527 9990
infosys@abojeb.com.ph

Privacy Policy/Terms of Service
© 2001-2003 Aboitiz Jebsen Bulk Transport Corp., Philippines. All rights reserved.
This site is best viewed at 800x600 screen area.